Important Information Regarding the U.S. Travel Ban
/If you are traveling to the United States, please read this. It includes important information about the travel ban and advice concerning what to do if you are detained by U.S. government officials. (Tagalog version below for tagalog speakers).
What is the travel ban?
On January 27, 2017, President Trump signed an executive order barring citizens of seven Muslim-majority countries from entering the United States for ninety (90) days.
The countries are Iran, Iraq, Libya, Somalia, Sudan, Syria, and Yemen.
Who does the travel ban affect?
The travel ban does not affect naturalized U.S. citizens from the seven countries.
The U.S. government has clarified that the travel ban does not apply to Green Card holders.
However, there remains significant confusion about the travel ban and its application by U.S. government officials. All individuals entering the United States should expect additional questioning and scrutiny.
What should I do if I am detained?
Do not sign any documents. There are media reports that U.S. government officials have pressured individuals to sign documents surrendering their Green Cards. If you are asked to sign a document, ask to speak with an attorney.
Ask to speak with an attorney. Non-citizens who have been detained are entitled to speak with an attorney.
Tell a relative or friend your travel plans. Make a plan, and make sure someone will know if you are detained.
If you or someone you know needs help, call to speak to an attorney:
Capital Area Immigrants’ Rights Coalition: +1 202 331 3329
American Civil Liberties Union: +1 212 549 2500
Information was prepared by volunteer members of Lawyers for Good Government.
Mahalagang Paunawa Tungkol sa U.S. Travel Ban
Kung tutungo kayo sa Estados Unidos, basahin nitong mabuti. Ito’y may mahalagang paunawa tungkol sa travel ban at may payo tungkol sa ano ang dapat gawin kung kayo’y pigilin at piitin ng mga alagad ng pamahalaang Amerikano.
Ano ang travel ban?
Noong Enero 27, 2017, pinirmahan ni Pangulong Trump ang isang utos na hadlangan ang pagpasok sa Estados Unidos ng mga mamamayan ng pitong bansa na karamiha’y Muslim, sa susunod na 90 araw.
Ang mga bansang apektado ay Iran, Iraq, Libya, Somalia, Sudan, Syria, and Yemen.
Sino ang apektado ng travel ban?
Hindi apektado ang mga naturalizad U.S. citizens na dati’y mamamayan ng pitong bansang nabanggit.
Pinaliwanag ng pamahalaang Amerikano na hindi kasama sa travel ban ang mga may Green Card.
Subalit may nalalalabing kalituhan tungkol sa travel ban at ang pagpapatupad nito ng mga alagad ng pamahalaan. Lahat ng manglalakbay na papasok sa Estados Unidos ay maaring tuunan ng dagdag na pagtatanong at pagsisiyasat.
Ano ang dapat kong gawin kung ako’y piitin?
Huwag kang pipirma sa ano mang dokumento. May mga balita na pinipilit ng mga alagad ng pamahalaan ang ilang manlalakbay na isauli ng tuluyan ang kanilang Green Card. Kung ikaw ay pinapipirma sa anumang dokumento, igiit na kailangan mong makausap ang isang abogado.
Igiit na kailangan mo ng isang abogado. May karapatan kang makipag-usap sa isang abogado kahit na hindi ka mamamayan ng Estados Unidos.
Ipaalam sa mga kamag-anak o kaibigan ang inyong plano sa paglalakbay. Gumawa ng plano, at tiyakin na may maka-aalam sakaling ikaw ay mapiit.
Kung ikaw or ang isang kakilala ay nangangailan ng tulong, tumawag sa isang abogado:
Capital Area Immigrants’ Rights Coalition: +1 202 331 3329
American Civil Liberties Union: +1 212 549 2500
Ang paunawang ito ay inihanda ng mga boluntaryong kasanib ng Lawyers for Good Government.